Medical Play

Medical Play is a therapeutic approach that uses real and pretend medical equipment, stuffed animals and dolls to:

  • learn about medical items in a non-scary way
  • become familiar with and have more control around medical equipment
  • express feelings about their experiences and care
Medical play can be used in preparing children for procedures which involves:

In these video demos, you will learn how to use the medical play dolls named Joy and Andres in preparing children for their medical procedures:

SCRIPT IN PREPARING CHILDREN FOR BLOOD DRAW

Ngayong araw ay kukuhanan ka ng dugo. Kasama natin ngayon si Andres/Joy. Subukan natin ang pagkuha ng dugo para mas maging ready ka.

Mamaya, may mga bagay na pwede kang gawin para makatulong sa iyo habang kinukuhanan ka ng dugo.

Pwede ka huminga ng malalim, magbilang ng 1-10, o mag-isip ng masasayang bagay upang mawala ang kaba. (Pwede din gumamit ng ibang halimbawa, base sa kung ano ang gusto o interes ng bata)

Alin kaya sa mga ito ang mas makakatulong sa iyo?

O sige, gawin natin yan pag ginagawa na ang pagkuha ng dugo.

Ito ang mga ginagamit sa pagkuha ng dugo:

  • Gloves, goma, bulak, alcohol, syringe/injection, test tube, bulak at tape


Ready ka na ba?

  1. Magsusuot ng gloves ang nurse o medtech.
  2. Ang unang gagawin ay hahanapin nya ang ugat kung saan pwede ipasok ang injection. Madalas sa braso ito ginagawa. Saan kaya tayo pwede maghanap ng ugat, sa kanan o sa kaliwa?
  3. Pwede nya salatin, silipin o pitikin. Minsan gumagamit ng maliit na flashlight para mas madaling makita ang mga ugat sa braso mo.
  4. Papaikutan ng goma ang iyong braso. Makakaramdam ka ng mahigpit sa iyong braso.
  5. Lilinisin ng bulak na may alcohol ang iyong braso. Medyo malamig ang pakiramdam ng alcohol.
  6. Ipapasok ng nurse o medtech ang karayom ng injection para makakolekta ng dugo. Baka may kaunting kirot kang maramdaman. Tandaan na steady ka lang para madali lang matapos.
  7. May pwede kang magawa na makakatulong sa iyo habang ipinapasok ang karayom. Subukan nga natin ang napili mo kanina na pwede mong gawin. (Gawin ang coping na pinili ng bata sa simula)
  8. Tatanggalin ang goma na nakapaikot sa braso mo.
  9. Tapos tatanggalin ang karayom sa braso mo. Hingang malalim.
  10. Tatakpan ng bulak at tape o band-aid ang parte na kinuhanan ng dugo.
  11. Idiin mo lang ang bulak ng ilang minuto.
  12. Ilalagay ang dugo na nakuha sa test tube.
  13. Tapos na ang pagkuha ng dugo! Ang galing mo!
 
MNEMONIC OF BLOOD DRAW PROCEDURE:
B raso ay lalagyan ng goma
L ilinisin ng alcohol ang braso
O ras na para ipasok ang syringe at kunan ka ng dugo
O key lang huminga ng malalim, magbilang, kumanta o mag-isip ng masayang bagay basta steady ka lang
D idikitan ang braso mo ng band-aid / bulak na may tape. Diinan mo lang ito ng ilang minuto

SCRIPT IN PREPARING CHILDREN FOR IV INSERTION

Ngayong araw ay lalagyan ka ng IV. Kasama natin ngayon si Andres/Joy. Subukan natin ang paglagay ng IV para mas maging ready ka.

Mamaya, may mga bagay na pwede kang gawin para makatulong sa iyo habang ginagawa ang IV insertion.

Pwede ka huminga ng malalim. Pwede ka manood sa cellphone o tablet, o pwede kang makipagkwentuhan habang ginagawa ang IV insertion. (Pwede din gumamit ng ibang halimbawa, base sa kung ano ang gusto o interes ng bata)

Alin kaya sa mga ito ang mas makakatulong sa iyo?

O sige, gawin natin yan pag ginagawa na ang IV insertion.

Ito ang mga ginagamit sa IV insertion:

  • Gloves, goma, bulak, alcohol, IV catheter, tape, IV infusion tubing, splint o IV board, dextrose


Ready ka na ba?

  1. Pwede ilagay ang IV habang nakaupo o nakahiga ka. Madalas sa kamay ikinakabit ang IV.
  2. Saan kaya natin susubukan magkabit ng IV, sa kanan o sa kaliwang kamay?
  3. Magsusuot ng gloves ang nurse o doktor.
  4. Ang unang gagawin ay hahanapin nya ang ugat kung saan pwede ipasok ang IV. Pwede nya salatin, silipin o pitikin. Minsan gumagamit ng maliit na flashlight para mas madaling makita ang mga ugat sa kamay mo.
  5. Papaikutan ng goma ang iyong kamay. Makakaramdam ka ng mahigpit sa iyong kamay.
  6. Lilinisin ng bulak na may alcohol ang iyong kamay. Medyo malamig ang pakiramdam ng alcohol.
  7. Ipapasok na ang IV sa ugat mo, tapos ilalabas ang karayom na nasa loob ng IV at itatapon na ang karayom na ito.
  8. Habang ipinapasok ang IV sa ugat, hingang malalim. Mahalaga na nakapirmi ang posisyon mo at steady lang ang kamay mo.
  9. May pwede kang magawa na makakatulong sa iyo habang ipinapasok ang IV. Subukan nga natin ang napili mo kanina na pwede mong gawin. (Gawin ang coping na pinili ng bata sa simula.)
  10. Lalagyan ng tape ang IV para siguraduhin na hindi ito matatanggal kahit na maigalaw mo ang kamay mo.
  11. Minsan pwedeng maglagay ng maliit na pirasong karton sa ilalim ng kamay mo, para siguradong hindi matatanggal ang IV kapag nailagay na ito.
  12. Kapag nailagay na ang IV, dyan pwede idugtong ang dextrose na naglalaman ng tubig o gamot na kailangan ng katawan mo lalo kapag may sakit.
  13. Ang galing mo, kinaya mo ang IV insertion!

MNEMONIC OF IV INSERTION PROCEDURE:
I lalagay ang goma sa braso
N urse o doktor ay sasalat sa braso upang makita ang ugat
S ubukan mong huminga ng malalim, tumingin sa cellphone, o makipagkwentuhan
E -steady lang dapat ang IV kaya lalagyan ng tape at karton
R eady na ang IV para lagyan ng dextrose o gamot
T apos na ang IV Insertion! Ang galing mo!

SCRIPT IN PREPARING CHILDREN FOR CT SCAN

Ngayong araw ay magpapa-CT Scan ka. Kasama natin ngayon si Andres/Joy. Subukan natin ang CT Scan para mas maging ready ka.

Ready ka na ba?

  1. Darating ang doktor na tinatawag na “anesthesiologist”.
  2. Makikita mo ang CT scan, isang makina na hugis donut na parang isang napakalaking camera.
  3. Papahigain ka ng doktor sa higaan. May ididikit ang doktor sa dibdib mo para marinig ang tibok ng puso mo. May tunog na nagbi-bipbip sa may tabi ng higaan.
  4. Lalagyan ka ng tela na parang sinturon sa may ulo at tiyan para sigurado na steady ang posisyon mo sa higaan.
  5. Tapos kukumutan ka para hindi ka ginawin. Maaari din ayusin ang nakadikit sa dibdib mo.
    Kung ikaw ay papatulugin para sa CT scan, ipapaliwanag ng doktor na may itatakip siya sa ilong mo at may hangin kang malalanghap. Ang tawag dito ay anesthesia at makakatulog ka. Magigising ka din makalipas ang ilang minuto at tapos na ang procedure
  6. Kung hindi ka naman patutulugin, magsisimula na ang CT scan kapag naihiga ka na ng maayos.
  7. Ang higaan ay gagalaw papasok sa parang malaking donut at may maririnig kang tunog na klik-klik. Pagkatapos, titigil ang paggalaw ng higaan.
  8. May makikita kang pulang ilaw na kumukutitap at umiikot sa loob ng parang donut na butas kung saan ka nakahiga.
  9. Pwede kang pumikit para di ka masilaw. May maririnig kang boses na nagsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Maaring sabihin na, “Huwag kang gagalaw…pigilan mo muna ang paghinga sandali.”
  10. Magpapatay-sindi ang ilaw at gagalaw ang higaan. Mauulit ang pagpatay-sindi ng ilaw.
  11. Kayang-kaya mo na magpa-CT scan!
MNEMONIC OF CT SCAN PROCEDURE:
C T Scan ay parang malaking donut
T elang sinturon sa ulo at tiyan ay ikakabit para sigurado na steady ang posisyon. May ikakabit din sa iyong dibdib upang marinig ang tibok ng puso
S a ilong ay may ilalagay na nakakaantok na hangin na ang tawag ay anesthesia. Magigising ka din matapos ang CT Scan
C lick click na tunog ng makina ang maririnig habang umaandar
A ng patay-sinding pulang ilaw ay makikita. Pumikit kung nasisilaw
N aririnig mo ang boses na magsasabi kung ano ang gagawin: “steady ka lang”, “pigilan ang paghinga”

SCRIPT IN PREPARING CHILDREN FOR SPINAL TAP / LUMBAR PUNCTURE/ INTRATHECAL CHEMOTHERAPY (IT)

Ngayong araw ay magpapa-IT ka, o ang 
tinatawag na intrathecal chemotherapy. Kasama natin ngayon si Andres/Joy.

Mamaya, may mga bagay na pwede kang gawin para makatulong sa iyo habang
ginagawa ang IT.

Pwede ka huminga ng malalim. Pwede kumanta 
o yumakap sa paborito mong laruan habang ginagawa ang IT. (Pwede din gumamit ng ibang halimbawa, base sa kung ano ang gusto o interes ng bata)

Alin kaya sa mga ito ang mas makakatulong sa iyo?

O sige, gawin natin yan mamaya pag 
ginagawa na ang IT.

Subukan natin ang IT para mas maging ready ka.


Ready ka na ba?

Ito ang mga gagamitin sa IT:

  • Gloves, panglinis ng likod, espesyal na karayom para sa IT, maliit na bote o test tube, bulak na may tape
  1. Hihiga ka ng nakatagilid sa kama.
  2. Kailangan mo ibaluktot ang likod mo, na parang letter C ang posisyon.
  3. Mahalaga ang pagbaluktot ng likod para mas madaling mahahanap ng doctor ang space o puwang kung saan pwede ipasok ang karayom (Maaaring buksan ang likod ng doll at gamitin ang card para ipakita ang spine at ang puwang sa spine).
  4. May tatayo sa tabi mo para tulungan na i-steady ang posisyon ng katawan mo.
  5. Magsusuot ang doctor ng gloves. Mararamdaman mo ang pagdiin ng doctor sa likod mo. Hinahanap niya kung saan pwede ipasok ang karayom.
  6. Lilinisan niya ang likod mo. May mararamdaman kang basa at malamig.
  7. Ipapasok na ng doctor ang espesyal na karayom. May pagdiin ka na mararamdaman habang ipinapasok ang karayom.
  8. Tandaan na dapat steady mo lang ang posisyon mo para mabilis matapos.
  9. May pwede kang gawin na makakatulong sa iyo habang naga-IT. Subukan nga natin ang napili mo kanina na pwede mong gawin. (Gawin ang coping na pinili ng bata sa simula)
  10. Lalabas mula sa karayom ang Cerebrospinal Fluid (CSF), na mukhang tubig at sasahurin ito gamit ang test tube o maliit na bote. Pwede ding magpasok ng gamot sa CSF doon sa puwang kung saan nakalagay ang karayom.
  11. Pag natapos, tatanggalin na ng doktor ang karayom sa likod mo at saka lalagyan ng bulak at tape, o band-aid.
  12. Minsan pwede mo maramdaman na parang namamanhid o namimintig ang iyong mga binti. May iba na nakakaramdam ng lamig o init sa balakang at binti.
  13. Matapos ang IT, kailangan mo humiga ng nakatihaya.
  14. Mainam na manatili sa ganung posisyon ng ilang oras. Kasi kung tumayo ka agad, pwedeng sumakit ang ulo mo o magsuka ka. Habang naghihintay, pwede ka muna matulog, magbasa, manood ng TV o tahimik na maglaro sa cellphone.
  15. Matapos ang ilang oras, pwede ka nang unti unting gumalaw.
  16. Kung makirot o nangangawit ang likod mo, itanong mo kay Dok kung ano ang gamot na pwedeng inumin.
  17. Tapos na ang IT, ang galing mo!

MNEMONIC OF IT INSERTION PROCEDURE:
S a kama ay hihiga ng nakatagilid at baluktot na tulad ng posisyong letter C
P uwang sa spine ay hahanapin ng doctor
I papasok ng doktor ang karayom at kukuha ng fluid mula sa spine. Pwede ding magpasok ng gamot sa spine
N ais naming maging steady ka kaya pwede kang huminga ng malalim, kumanta, o yumakap sa laruan
A alisin ang karayom kapag nakakuha na ng fluid sa spine
L alagyan ang likod mo ng bulak at tape o band-aid

SCRIPT IN PREPARING CHILDREN FOR BONE MARROW ASPIRATION (BMA)

Ngayong araw ay magpapa-BMA ka. Ang ibig sabihin ng BMA ay Bone Marrow Aspiration.

Kasama natin ngayon si Andres/Joy. Subukan natin ang BMA para mas maging ready ka.

Mamaya, may mga bagay na pwede kang 
gawin para makatulong sa iyo habang ginagawa ang BMA.

Pwede huminga ng malalim, hawakan ang 
kamay, o magdasal upang mawala ang kaba. (Pwede din gumamit ng ibang halimbawa, base sa kung ano ang gusto o interes ng bata)

Alin kaya sa mga ito ang mas makakatulong
sa iyo?

O sige, gagawin natin yan mamaya pag ginagawa na ang BMA.

Ready ka na ba?

Ito ang mga gagamitin sa BMA:

  • Gloves, bulak, alcohol, BMA needle, slide, bulak na may tape, minsan gumagamit din ng gamot na pampamanhid
  1. Unang gagawin ay, hihiga ka ng nakatagilid o kaya nakalapat ang likod sa kama, depende sa sasabihin ng doktor.
  2. May tatayo sa tabi mo para tulungan na i-steady ang posisyon ng katawan mo.
  3. Magsusuot ng gloves ang doktor. Sasalatin nya ang balakang mo kung saan pwede kumuha ng sample ng bone marrow (Maaaring buksan ang likod ng doll at gamitin ang card para ipakita ang balakang) 
  4. Pupunasan nya ng alcohol ang bahagi ng iyong balakang kung saan ipapasok ang espesyal na karayom para sa BMA. Medyo malamig sa pakiramdam ang alcohol.
  5. Minsan, gamit ang karayom, maglalagay ng gamot na pampamanhid sa balakang mo.
  6. Ipapasok ang karayom ng BMA sa iyong balakang. May pagdiin at pagtulak kang mararamdaman.
  7. Tandaan na dapat steady lang ang posisyon mo habang ginagawa ni Dok ang BMA.
  8. May pwede kang magawa na makakatulong sa iyo habang nagbi-BMA. Subukan nga natin ang napili mo kanina na pwede mong gawin. (Gawin ang coping na pinili ng bata sa simula)
  9. Lalabas mula sa karayom ang sample ng bone marrow, mukha itong dugo. Maaari kang makaramdam ng saglit na kirot habang kinukuha ang sample ng bone marrow.
  10. Ilalagay ang kaunting sample ng bone marrow sa slide at dadalhin sa laboratoryo upang masuri.
  11. Pagkatapos makakuha ng sample, tatanggalin na ng doctor ang karayom sa balakang mo at lalagyan ng bulak na may tape.
  12. Kung makirot o nangangawit ang likod mo, itanong mo kay Dok kung ano ang gamot na pwedeng inumin.
  13. Tapos na ang BMA, ang galing mo!

MNEMONIC OF BMA PROCEDURE:
M ahihiga sa kama
A ng doktor ay sasalat sa iyong balakang
R amdam mo ang pagtulak habang pinapasok ang espesyal na karayom.
R amdam mo rin minsan ang pamamanhid ng ilang bahagi ng katawan matapos ang BMA
O key lang huminga ng malalim, magbilang, kumanta at mag-isip ng masayang bagay. Basta steady ka lang
W ait mo lang hanggang makakuha ng bone marrow sample si Dok at lagyan ka ng bulak na may tape